Munting Tulong
by DarkBlak
Minsan sa buhay natin nangarap tayong maging isang Superhero, maging tagapag-tanggol ng naaapi, katakutan ng mga gumagawa ng masama. Masyado atang mataasa ang pangarap nating yun lalo na kung tayo ay simpleng tao lamang. Hindi tayo mayaman para makatulong sa mga mahihirap, hindi rin tayo pulis para katakutan ng masasamang loob at lalong hindi rin tayo Superhero para maging tagapag-tanggol ng mga naaapi. Bilang isang simpleng mamamayan, anu-ano ba ang kaya nating gawin para makatulong sa kapwa? Hindi naman natin kailangang ng kapangyarihan o maraming pera para makatulong sapat na yung taglay nating kabutihan sa ating puso. Ang pag-alalay sa isang matandang tumatawid ay isang uri ng pagtulong ng hindi na natin kailangan ng superpower. Marami pang sitwasyon kung saan pwede tayong makatulong kahit sa maliit na paraan.
Marami sa atin ang nagpapakitaong-tao (tao nga ba sila?) lang kunwari tumutulong para lang mapansin at mapuri ng iba. May mga tumutulong din naman na humihingi ng kapalit o kabayaran para sa kabutihang nagawa nila sa kanilang kapwa. Iba ang pakiramdam kapag bukal sa puso mo ang pagtulong mo sa iyong kapwa, nakakapag-bigay ito ng kakaibang kasiyahan sa atin at sa taong tinulungan natin. Ang sarap makita na masaya ang kapwa natin dahil natulungan natin sila kahit sa maliit na paraan lamang.
Ikaw nakahanda ka bang tumulong sa kapwa mo ng bukal sa loob mo walang inaasahang kapalit? Kung may maitutulong ka, ano ito at bakit?